PNP Laguna naka-heightened alert sa tigil-pasada

0
221

Sta. Cruz, Laguna. Naka-heightened alert na ang Philippine National Police (PNP) sa Laguna kasabay ng isang linggong transport strike ng iba’t ibang transport organization simula ngayong araw, Lunes.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, direktor ng Laguna Police Provincial Office, nakahanda na ang  79 na checkpoints na babantayan ng 68 PNP personnel bilang Reactionary Standby Support Force at karagdagang 60 pulis na magtataguyod ng civil disturbance management na magbabantay ng kaayusan at aayuda at magbibigay ng seguridad sa mga commuters. “Itataas natin ang ating alert status. Magpapakalat tayo ng mga police natin doon sa mga lugar kung saan sumasakay ang ating mga kababayan para makapagbigay tayo ng kaukulang seguridad sa ating mga kababayan,” ayon kay Silvio.

“Itataas natin ang ating alert status. Magpapakalat tayo ng mga police natin doon sa mga lugar kung saan sumasakay ang ating mga kababayan para makapagbigay tayo ng kaukulang seguridad sa ating mga kababayan,” ayon kay Silvio.

Sinabi rin ng Laguna PNP chief na ilalaan din nila ang kanilang mga mobile patrol para sa libreng  sakay. Sisiguraduhin nilang maihahatid sa kanilang mga opisina at pinagtatrabahuhan ang mga commuters na walang masasakyan.

Babantayan at imo-monitor ng PNP ang mga lalahok sa transport strike upang matiyak na hindi mangha-harass ang mga ito ng mga PUVs na patuloy sa pagbiyahe

Kasabay nito, pinayuhan naman ni Silvio ang publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay kung walang importante pupuntahan.

Umaasa rin siya na magiging payapa ang transport strike.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.