PNP maghihigpit-seguridad para sa ligtas na Undas

0
315

MAYNILA. Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil nitong Huwebes ang mas pinaigting na seguridad at dagdag na tulong sa mga motorista at publiko bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay Marbil, ang heightened deployment na ito ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan sa mga komunidad sa buong bansa. “We are deploying more personnel to communities, cemeteries, transport terminals, and other areas where people traditionally gather to commemorate their loved ones. We want the public to feel the presence of the police, to feel secure as they go about their lives,” aniya.

Dagdag pa niya, “Our goal is twofold: to secure the community from opportunistic crimes like akyat-bahay and to assist motorists and the general public who may need help during this period. Police visibility and vigilance will be at an all-time high to guarantee everyone’s safe and peaceful observance of Undas.”

Inatasan din ni Marbil ang mga police units na magsagawa ng preventive anti-crime operations sa mga estratehikong lugar at tumulong sa pamamahala ng trapiko at crowd control sa mga sementeryo at pangunahing kalsada. “Let this be a reminder to those with ill intentions that the PNP is ready and on alert. Our officers are here not only to safeguard but also to assist those in need on the roads and in busy areas,” dagdag niya.

Pinapayuhan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masiguro ang maayos at ligtas na paggunita ng Undas ngayong taon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.