PNP naka-alerto para sa BSKE at Undas

0
176

Nagdeklara ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) kaninang madaling araw para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023. Alas-12:01 ng madaling araw, ibinaba ang abiso sa 187,000 puwersa ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng halalan.

Hiniling ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. sa kanyang mga tauhan na palaging maging handa at alerto sa anumang reklamo na kanilang matatanggap, lalo na sa mga lugar na itinuturing na nasa ilalim ng red category.

Mahigpit niyang ipinagbilin ang pagbibigay ng prayoridad sa pagseserbisyo at pag-aalaga sa kaligtasan ng publiko.

Sa ilalim ng Full Alert status, ipapatupad ang No Day Off at No Leave Policy upang masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng magkasunod na okasyon.

Kasabay nito, pinasinayaan ni Acorda ang Monitoring and Action Center sa Kampo Crame. Sa tulong nito, mas magiging mabilis ang pag-a-access ng media sa mga impormasyon kaugnay ng eleksyon. Ito rin ay naglalayong maiwasan ang pagkakaiba-iba at kalituhan sa mga ulat at impormasyon na natatanggap ng PNP at Commission on Elections (Comelec).

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo