PNP: Pamilya ni Jaclyn Jose naniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng aktres

0
86

Naniniwala ang pamilya ni Jaclyn Jose na walang foul play sa pagkamatay ng aktres, ayon sa paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 4.

“The family is asking for privacy, and they believe that there is no foul play in her death. We are sympathizing with her family and friends,” ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing.

Hindi na binanggit ni Fajardo ang sanhi ng pagkamatay ng aktres, at sinabi na pinili ng pamilya na hindi isapubliko ang mga detalye na may kaugnayan dito.

Matatandaan na Linggo ng gabi ay sumabog ang balitang natagpuang wala nang buhay si Jaclyn Jose, o Mary Jane Guck sa tunay na pangalan, sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City sa pareho ding araw.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.