PNP: Pulis na may kaso hindi tatanggap ng mid-year bonus

0
226

Hindi bibigyan ng midyear bonus ang mga pulis na may kaso, ayon sa PNP-Public Information Office (PIO) Chief Brig. Gen. Red Maranan.

Ayon kay Maranan, ang mga pulis na mayroong mga kaso at nasa ilalim ng disciplinary policy ng PNP ay hindi makatatanggap ng midyear bonus.

Naglaan ang PNP ng halagang P7.54 bilyon para sa midyear bonus ng 227,832 aktibong duty PNP personnel, na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.

Sinabi ni PNP Finance Service Director Police BGen. Bowenn Joey Masauding na nagsimula na kahapon ang pamamahagi ng midyear bonus sa mga pulis sa kanilang mga Landbank payroll account.

Inaasahan ni Acorda na ang pag-release ng midyear bonus sa mga pulis ay magiging tulong sa kanila upang patuloy na maglingkod nang marangal sa bayan.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.