PNP regional director sa Calabarzon pinalitan

0
381

CALAMBA CITY, Laguna. Labing-isang araw bago ang retirement ni Brig. General Carlito Gaces, nagulat ang buong kapulisan sa Calabarzon nang italaga ng Philippine National Police si Police Brig. General Paul Kenneth Lucas na kapalit niya bilang Regional Police Director ng Rehiyon 4A.

Hindi nagbigay ng opisyal na paliwanag ang mga matataas na opisyal ng PNP hinggil sa biglaang pagpapalit ng liderato sa mga pulis sa Southern Tagalog bagaman at nagdulot ito ng malaking katanungan sa mga mamamahayag na dumalo sa okasyon.

Naging palaisipan na wala si Gaces sa ginanap na “turn-over ceremony,” na nauwi sa biglaang “assuming of post”ni BGeneral Lucas.

Sa kabila ng mga tanong hinggil sa biglaang pagpapalit ng liderato sa Calabarzon PNP, tinanggap ni Chief PNP General Benjamin Acorda Jr. ang assuming of post ni BGeneral Lucas. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng paglilingkod na may integridad at ang pangangailangan ng PNP na iwasan ang anumang kilos na magbibigay negatibong imahe sa organisasyon.

Kasama rin sa okasyon sina Police Lt. General Rhoderick Armamento, Area Police Command- South Luzon, at Police Major General Ritchie Medardo Posadas, Director ng National Police Training Institute.

Walang sagot ang tanggapan ni BGeneral Carlito Gaces sa mga tanong ng mga mamamahayag ukol sa kanyang pagliban sa nasabing okasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.