PNP sa mga kandidato: Makipag-ugnayan sa mga awtoridad

0
581

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato sa halalan ngayong taon at ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

“We would like to remind our candidates and the public at large na importante ang koordinasyon, so the PNP can provide security assistance para maiwasan na mangyari ang kahit anong kaguluhan ,” ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Roderick Augustus Alba sa isang statement na iniisyu kagabi.

“Hindi naman pinagbabawal ang area security lalo na sa identified high-risk zone (Area security is not prohibited in an identified high-risk zone). What the Election code prohibits is the employment of bodyguards without the Certificate of Authority,” ayon sa kanya.

Naglabas ng paalala ang opisyal ng PNP kasunod ng pamamaril sa isang pulong sa kampo ni presidential aspirant Leody de Guzman kasama ang mga miyembro ng mga katutubo sa Quezon, Bukidnon.

Dalawang tao ang nasugatan sa insidente.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.