PNP: Sibilyan, pwede nang magmay-ari ng semi-automatic rifles

0
387

Inaprubahan na ng Philippine National Police (PNP) ang patakaran na pinapayagan na ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifles.

Ang pag-apruba ay kasunod ng pagsasagawa ng mga pagbabago sa ilang mga implementing rules and regulations ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon kay PNP-Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ilang probisyon ang sumailalim sa pagsusuri ng technical working group na nagresulta sa pagpayag sa nasabing mga pagbabago.

“Pwede nang magmay-ari ang sinumang civilian ng 7.62, ‘yun pong M14 pababa, basta ‘yung baril hindi siya automatic ‘yung sa selection niya,” ani Fajardo.

Dagdag pa niya, isinumite na rin ng PNP ang ilang amendments ng University of the Philippines Law Center para sa pampublikong paglalathala.

Inaasahang ipatutupad ang mga ito matapos ang 15 araw na panahon ng pampublikong paglalathala.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo