PNP: Walang holiday leave ang mga pulis mula Disyembre 15 hanggang Enero 10

0
241

Hindi papayagang magbakasyon para sa panahon ng Pasko ang mga tauhan ng pulisya ay bilang bahagi ng pinaigting na mga hakbang sa seguridad para sa kapaskuhan, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na lahat ng aplikasyon para sa leave mula Disyembre 15 hanggang Enero 10 sa susunod na taon ay kakanselahin, alinsunod sa utos ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., para sa mas mataas na presensya ng mga pulis at visibility para sa kapaskuhan .

“Ibig sabihin wala na pupuwedeng mag-leave effective Dec. 15 para masiguro na may sapat tayong bilang para masiguro na yung maximum police presence na objective ng ating Chief PNP ay ma-comply. Yung ating 85 percent police ratio ay ii-implement din yan ,” ayon sa pahayag ni Fajardo sa mga media sa Camp Crame, Quezon City.

Sinabi rin ni Fajardo na ang mga pulis ay lalabas sa mga lansangan para magpatrulya, kabilang ang mga tauhan na nagsasagawa ng administrative duty sa mga opisina.

Ilan sa mga security measures na ipapatupad ay ang paglalagay ng mga patrol team sa mga simbahan upang maiwasan ang mga maliliit na kriminal at gang na magdulot ng gulo sa mga nagsisimba.

Pinayuhan din ng PNP ang mga magsisimba na huwag magdala ng mga alahas at malaking halaga ng pera upang hindi makaakit ng atensyon ng mga magnanakaw.

“Ang payo natin sa ating mga kababayan ay maging alerto. Ang ating personal na seguridad at kaligtasan ang dapat nating unahin. Alam natin na tayo ay nasasabik na mamasyal at makihalubilo. lalo na sa mga misa sa gabi,” ayon kay Fajardo.

Ang Simbang Gabi na tatakbo sa loob ng siyam na araw, ay nagsisilbing panimula sa maligaya at makabuluhang pagdiriwang ng Pasko na siyang tanda ng kapanganakan ni Hesukristo. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.