PNP: Walang katotohanan ang mga tsismis na ‘serial killer, kidnappers sa puting van’

0
274

Ibinasura ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang mga tsismis na isang serial killer at mga miyembro ng isang kriminal na grupo na sakay ng puting van ang nasa likod ng serye ng mga napabalitang pagpatay at pagkawala ng ilang indibidwal.

“If we look into the circumstances of the discovery of cadavers and the reported abduction of people who were later found dead, we do not see any serial killer here because different people and motives are involved. Pati na rin ang kumakalat sa social media na sinasabi na meron isang white van na nandurukot, wala pa po tayong nare-record na ganyang insidente,” ayon kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, sa isang television interview.

Gayunman, kinilala ni Fajardo ang kahalagahan ng mga post sa social media sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko laban sa mga krimen at pagresolba sa mga kaso na iniimbestigahan ng pulisya.

Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na kailangan muna niyang makakuha ng tumpak na bilang ng mga insidente ng krimen hinggil sa napaulat na sunud-sunod na mga pagpatay at pagdukot bago magbigay ng anumang komento sa isyu.

Sinabi ni Abalos na hiniling niya kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na magsumite ng ulat sa serye ng mga napaulat na pagpatay na nagdulot ng alarma sa publiko, lalo na sa gitna ng pagsisimula ng in-person classes ngayong taon.

Sinabi ni Abalos na makikipagpulong siya sa mga opisyal ng barangay sa isang convention mamaya sa Miyerkules upang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa pampublikong seguridad. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo