PNPA cadet namatay sa heat stroke

0
424

Silang, Cavite. Namatay sa heat stroke ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) nitong nadaang weekend.

Ayon sa pahayag kanina ni Maj. Gen. Alexander Sampag, direktor ng PNPA, namatay noong Hunyo 18 si Cadet Rafael Sakkam, tubong Sinunuc, Zamboanga City at miyembro ng Class of 2026.

Dalawang linggo bago siya namatay, si Sakkam ay isinugod siya sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna noong Hunyo 7 matapos mawalan ng malay habang nagsasagawa ng panghapong road run.

Sinabi rin ni Sampaga na dahil sa naganap na insidente, ang akademya ay nagpatupad ng mahigpit na mga hakbang at interbensyon upang matiyak ang sapat na hydration ng mga kadete sa panahon ng summer training.

“We would like to reassure the public that the PNPA Administration will never cease working to establish effective yet proactive approaches to our cadets’ training and development, with top priority given to their health, safety, and well-being,” ayon kay Sampaga.

Kaugnay nito, tiniyak ng akademya na bibigyan ng tulong ang pamilya ni Sakkam. (PNA)

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.