PNR San Pablo-Lucena line, bibiyahe na bukas, Hunyo 25

0
356

San Pablo City, Laguna. Pwede ng sumakay ang publiko sa tren ng San Pablo – Lucena ng Philippine National Railways (PNR) sa muli nitong pagbubukas sa Hunyo 25, pagkatapos ng isang dekada sarado ito at huling bumiyahe noong Oktubre 2013.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) 44-kilometrong inter-provincial rail line na nagdurugtong sa Lucena City sa Quezon province at San Pablo City sa Laguna ay 30 minutong biyahe lamang kumpara sa isang oras na biyahe sa kotse o bus.

“Hindi po ito tsismis lang. Totoo po na bubuksan na sa pangunguna ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte at DOTr Secretary Art Tugade ang PNR San Pablo-Lucena line bukas!,” ayon sa DOTr sa Facebook post nito kanina.

Ang ruta ay bahagi ng PNR Bicol Express na mag-uugnay sa Metro Manila sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Ipinagmamalaki ng PNR Bicol na makikitang operational na sa 2027 ang 560 kilometrong riles na may 35 istasyon na dadaan sa Maynila at mga probinsya ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay, extension line sa Sorsogon, at branch line sa Batangas. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.