PNR San Pablo-Lucena route, inaasahang magbubukas ng mga potensyal sa South Luzon

0
455

Magbubukas ang ruta ng Philippine National Railways (PNR) na San Pablo-Lucena ng mga pagkakataon sa hanapbuhay at pahuhusayin ang mobility sa Southern Luzon, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade kahapon.

Sa kanyang pag-inspeksyon sa rutang PNR Lucena-San Pablo, sinabi ni Tugade na bukod na sa paggamit nito bilang passenger commuter service, maaari ding gawing commercial o cargo freight service ang rutang PNR Lucena-San Pablo.

“Mahalaga rin po na sabihin na itong rutang ito ay convertible hindi lamang papuntang Bicol, kundi maging convertible na maging commercial route dito sa Lucena,” ayon sa kanya.

Ang commuter line ay huminto sa operasyon noong Oktubre 2013 matapos bumagsak ang isang abutment na naging dahilan upang matigil ito sa loob ng halos isang dekada. Ang ruta ng PNR San Pablo-Lucena ay isang 44-kilometrong inter-provincial commuter railway na bahagi ng serbisyo ng commuter train papuntang Bicol na may mga istasyon at flag stop para sa mga araw-araw na commuter o maikling paglalakbay.

Kapag nagpatuloy ang operasyon, ang linya ay magkakaroon ng dalawang terminal station at apat na flag stop sa pagitan, na may oras ng paglalakbay na 1 oras at 32 minuto mula Lucena hanggang San Pablo.

Ang mga bahagi ng long-distance rail network ay gagamitin din para sa PNR South Long Haul Project o sa “Bicol Express”.

Ipinahayag ni PNR General Manager Junn Magno ang kanyang pasasalamat sa mga pamahalaang panlalawigan ng Laguna at Quezon sa pagtulong sa Department of Transportation (DOTr) at PNR sa “pagkamit ng adhikain ng bansa sa pagbubukas ng mass transport.”

Ayon sa kanya, ang linya ng PNR San Pablo-Lucena ay magbubukas din ng economic corridors ng Laguna, Quezon at Bicol at makakatulong sa pagtiyak ng economic equity at progreso sa Southern Luzon.

Sinabi ni San Pablo City, Laguna Urban Development and Housing Officer Emilio Tirones na ang linya ng PNR Lucena-San Pablo ay tutulong sa iba’t ibang aspeto ng socio-economic development, kabilang ang economic stability, mobility at connectivity at relokasyon ng lungsod para sa mga informal settlers ng San Pablo City.

Noong 2012, ang linya ng tren ay tumatakbo lamang isang beses bawat dalawang araw, ayon kay Tirones.

“Kung may train, may connectivity at mobility ang bawat bayan gaya ng sinabi ni Secretary Tugade. At the same time, ‘yung economic aspects ng San Pablo—‘yung mga products namin madadala sa inter-province, sa Manila,” ayon sa kanya at idinagdag na ang Lucena-San Pablo ay mago-operate ng 10 biyahe kada araw.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.