Police Chief Carlos bumisita sa PRO Calabarzon: 10 pulis, pinarangalan

0
370

Calamba City, Laguna. Pinarangalan ni Chief PNP, Police General Dionardo B. Carlos ang mga karapat dapat na tauhan ng PRO Calabarzon na nagpakita ng huwarang pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Sa isang programang ginanap sa Camp Vicente Lim sa nabanaggit na lungsod noong Enero 22, 2022, tumanggap Medalya ng Kadakilaan sina PCOL Ledon D. Monte, Force Commander RMFB4A at PSMS Joeven J Dacayanan. 

Ginawaran naman ng Medalya ng Kagalingan PCAPT Jet Caesar D. Lontok, Chief of Police ng Amadeo MPS, PSMS Kithy Boy J. Costela, PLTCOL Rodel S. Ban-o, Chief Provincial Intelligence Unit, Cavite PPO at PCpl Dester D. Camaclang.

Sinabitan din ng Medalya ng Kasanayan sina PLT Gloria P. Baliuag ng RMFB4A, PLT. Maria Ailyn R. Francia, PMSG Jarmaine DS Bais ng RID 4A at PCpl Emil V. de la Cruz.

Pinupuri ni Chief PNP Carlos ang mga awardees at sinabi na sila ang representasyon ng lahat ng kalalakihan at kababaihan ng PRO CALABARZON.

“We cannot bring you all here in this stage. That’s how I see how good the police of this Regional Office”, ayon sa heneral.

Kasabay nito, ipinakita ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz ang iba’t ibang imprastraktura sa loob ng kampo kagaya ng Bagong PRO CALABARZON Admin Building, New Quarantine Facility, Rider’s Nook, at PCO Condominium 1 at 2. Bumisita rin ang Chief PNP sa state-of-the-art  Regional Command Center kung saan ay ipinakita ni Cruz ang kakayahan at layunin nito.

Gayundin, nagpasalamat siya sa PRO CALABARZON sa tulong na kanilang ipinaabot sa Rehiyon 6 sa panahon ng matinding epekto ng bagyong ‘Odette’.  “I would like to thank every member of CALABARZON for being the police big brother of Region 6 last devastation of typhoon Odette. What you have contributed is very much appreciated. You are the big brother of Region 6”, ayon kay Carlos.

Binanggit din ni Carlos ang papalapit na national elections at muling iginiit sa lahat ng tauhan ng PNP na maging non-partisan, neutral at walang kinikilingan. “Magtrabaho lang tayo at siguraduhing magiging matiwasay, ligtas, at mapayapa ang ating bansa ngayong darating na eleksyon,” ayon sa kanya.

Binigyang-diin pa niya ang kagandahang-asal ng bawat tauhan ng PNP.  “Hindi lang bilang pulis, kundi bilang isang tao na nakatayo at nakikiusap sa mga tao sa komunidad, maging magalang tayo sa lahat ng oras lalo na sa pakikipagkapwa-tao. Makiusap ng mahinahon at nakangiti, dyan natin maipapakita na ang kanilang pulis ay buong puso at tapat na nagseserbisyo,” ayon kay Carlos.

Higit sa lahat, ipinaalala niya sa bawat miyembro ng PNP ang ‘No Take Policy’ at huwag gumawa ng anumang uri ng ilegal na aktibidad. Inutusan niya ang mga commander na pangasiwaan at subaybayan ang mga tauhang sangkot sa kotong cops, illegal gambling at sabong o e-sabong/tupada. Kung ang mga tauhan ay iniulat at naaresto, ang immediate supervisor at matatanggal sa pwesto sang ayon sa ‘One Strike Policy.’

“Again, I see in every policemen the professionalism and the sacrifice that you do not just in this organization but for the Filipino people.  Wherever you are now, you deserve it. Sama-sama nating gawin, sama-sama nating susundin ang batas para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas at higit sa lahat sa ikabubuti ng ating organisasyon. Whatever I am doing I am doing it for HIM”, ang pagtatapos ni Carlos.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.