Police chief ng Lian, Batangas patay sa banggaan ng SUV at truck

0
389

Taal, Batangas. Patay ang hepe ng pulisya sa bayan ng Lian, Batangas matapos bumangga ang SUV na kanyang sinasakyan sa isang 10-wheeler truck, kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Batangas police, tinatahak ng biktimang si Maj. Amiel Sanhi Jr. ang diversion road sa Barangay Tulo, Taal patungo sa direksyon ng Batangas City nang sumalpok ang SUV sa truck na minamaneho ni Salvador Segfred.

Ayon sa report ni PCol. Glicerio Cansanay, Batangas Provincial Police Director, bandang ala una ng madaling araw ay nakatanggap ang Taal Municipal Police Station ng tawag mula sa isang staff ng Valentino hotel sa Taal hinggil sa road accident sa Barangay Tulo. Rumesponde ang Taal police traffic bureau sa lugar, inalis sa pagkaka ipit ang katawan ni Maj. Sanhi at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sumuko ang driver sa mga pulis at kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at inaalam kung may pananagutan siya sa naganap na aksidente.

Photo credits: TBST
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.