Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil, itinalaga bilang ika-30 PNP chief

0
235

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Pumalit si Marbil kay Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ng kanyang termino at nagretiro kahapon, araw ng Linggo, Marso 31, 2024.

“Police Major General Rommel Francisco Marbil is designated as the chief, Philippine National Police effective April 1, 2024 by the direction of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ayon sa appointment paper ni Marbil.

Kabilang si Marbil sa Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class 1991.

Ang anunsyo ng pagkakatalaga kay Marbil ay naganap sa seremonya ng change of command at retirement honors para kay Acorda sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.

Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang PNP Chief, nagsilbi si Marbil bilang pinuno ng Directorate for Comptrollership at Regional Director ng Police Regional Office 8 (PRO-8), at Director ng Highway Patrol Group (HPG), kasama ang iba pang mga tungkulin.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo