Poseur cop, arestado sa pangingikil sa Batangas

0
233

Batangas City. Arestado ang isang 42 anyos na lalaki na nagpanggap na pulis dahil sa pangingikil kahapon sa lalawigan ng Batangas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arvin Luzaran Sumague, isang dating overseas Filipino worker na nagpakilalang isang Police Cpl. Edison.

Nadakip ang fake cop natapos umaksyon ang pulisya sa reklamo ng isang Peter Paul Pascuguin ng bayan ng Talisay, Batangas na nagsalaysay na nagsimula ang pangingikil noong maglagay siya ng ilang mesa ng pasugalan sa isang burol sa kanyang bahay sa Brgy. Banga sa Talisay, Batangas.

Nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya noong kukunin na ng suspek ang “protection” money sa isang convenience store.

Inaresto ng pulisya si Sumague matapos iabot sa kanya ang hindi pa matukoy na halaga ng marked money.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.