Posibleng i-ban ang TikTok sa Pilipinas matapos ang pag-aalala sa seguridad

0
304

May malalakas na banta ng pagsuspinde ng operasyon sa sikat na video-sharing platform na TikTok sa Pilipinas sa gitna ng mga alingawngaw ng pang-eespiya at mga cyber attack mula sa China.

Sa pahayag ni National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año, hindi niya tiniyak na magdadalawang-isip na irekomenda ang ganap na pagbabawal ng TikTok kung mayroong sapat na ebidensya na ito ay ginagamit ng China para sa mga cyber attack laban sa Pilipinas. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Año, “Galing kasi sa China ‘yang mga apps na ‘yan, malaki ang posibilidad na nakukuha nila ‘yung mga data pati mga private details ng mga nagsu-subscribe dyan.”

Inatasan na rin ni Año ang isang task force, na pinamumunuan ni Assistant Director General Jonathan Malaya, na mapabilis ang imbestigasyon hinggil sa TikTok at ang pangangalap ng mga datos sa posibleng paglabag sa seguridad.

Inihayag din ni Año na patuloy na sinusuri ng National Security Council ang app na ito upang siguruhing protektado ang mga Pilipinong gumagamit nito pati na rin ang mga government system.

Hindi pa tiyak kung itutuloy ang hakbang na pagbabawal sa TikTok sa Pilipinas. Ayon kay Año, “Hindi pa naman natin ‘yan sinasabi [na iba-ban ang TikTok sa Pilipinas]. Doon na lang muna tayo sa mga pamahalaan, opisina na involved sa security matters. At kung mayroon tayong makitang ibang development saka tayo magsasagawa ng adjustment.”

Marami nang iba’t-ibang bansa ang nauna na sa pagbabawal sa paggamit ng TikTok na pag-aari ng mga kumpanyang galing sa China dahil sa mga alalahanin sa seguridad.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo