Power crisis sa Occ. Mindoro, nakatakdang siyasatin ng Senado

0
229

Nagsampa ng Senate resolution si Senator Sherwin Gatchalian upang alamin ang mga dahilan sa likod ng madalas na pagkaputol ng kuryente sa franchise area ng Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. (OMECO).

Mahigit 80,000 residente ang naiulat na apektado ng province-wide blackout, partikular sa mga bayan ng San Jose, Mamburao, Paluan, Sta. Cruz, at Abra de Ilog.

Si Gatchalian, pa rin ang Committee on Energy chairperson, atnakatanggap siya ng mga ulat na ang Occidental Mindoro Consolidated Power Corp. (OMCPC) ay huminto sa pagbibigay ng kuryente sa OMECO matapos ang kasunduan sa supply ng kuryente sa pagitan nila.

“Kung walang kuryente, walang negosyo, walang kita ang mga tao. At kung magpapatuloy pa ito sa mga susunod na buwan, maaaring maapektuhan pati ang pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral. Kung hindi mabibigyan ng solusyon ang problemang ito, mapag-iiwanan ang probinsya ng Occidental Mindoro ,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Gatchalian ang kanyang personal na karanasan sa kawalan ng kuryente noong bumisita siya sa lalawigan ng Mindoro noong panahon ng kampanyahan.

Ang regular na supply ng kuryente sa lalawigan ay bumalik matapos na pansamantalang aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang isang kasunduan sa supply ng kuryente sa pagitan ng OMECO at OMCPC.

Sa nakalipas na ilang buwan, tiniis ng mga residente ang rotational brownout sa loob ng lima hanggang anim na oras kada araw dahil sa hindi sapat na suplay ng kuryente.

Ang OMECO ang electric cooperative na nagseserbisyo sa franchise area ng Occidental Mindoro na may kabuuang 240,887 household connections.

Ang kapangyarihang magbigay o mag-renew ng mga prangkisa para sa mga electric cooperative at iba pang power utilities ay nasa Kongreso. Ibabatay ang desisyon nito sa performance at consumer satisfaction, bukod sa iba pa. (PNA)

IMMEDIATE REPAIR. Inaayos ng maintenance team ng Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. ang isang poste ng kuryente sa Sitio Subukin, Cabacao, Abra de Ilog sa Occidental Mindoro noong Hunyo 23, 2022. Ilang buwan ng nakakaranas ng rotational power interruption ang lalawigan. (Larawan sa kagandahang-loob ng OMECO IEC Facebook)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.