Powerhouse ng Occidental Mindoro, inilunsad

0
947

San Jose, Occidental Mindoro. Inilunsad sa bayang ito ang pangkat “Pamilya Tayo” na kinabibilangan ni Sonny Javier bilang kandidatong vice mayor nito. 

“Ang Team Pamilya Tayo ay makikinig sa mga mungkahi at daing ng aming mga kababayan tungo sa tunay na pag unlad ng antas ng pamumuhay at para sa malinis na pamamahala. Makakaasa po ang lahat na kami ay maglilingkod ng buong husay at buong katapatan kung inyo pong pagbibigyan,” ayon sa mensahe ni Javier.

Pinangungunahan ni Atty. Rey Ladaga ang Team Pamilya Tayo bilang kandidatong mayor. Kasama sa tiket ang mga kandidatong konsehal na sina Arnel  Argame, Ariel “Barok” Balmes, Cakki  Cacayurin, Abner Esperanza, Mario Marigmen, Lito “Manok” Mendenilla, Jess Polinar at Maria Fe Villar

Ang nabanggit na grupo ay tatakbo sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa pangunguna ni two termer at incumbent Occidental Mindoro Governor Ed Gadiano, kasama ang vice gubernatorial bet nitong si Diane Apigo Tayag at si Odie Tarriela bilang kandidatong congressman.

Kasama din sa tiket ang mga panlabang  board member na sina Nathan Cruz, Coco Mendiola, Ramon Quilt, Alex del Valle at Kendi Villaroza.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.