PRC, kinilala si VM Argañosa, ginawaran ng Heroes of the Pandemic award

0
240

Majayjay, Laguna.  Kinilala ng Philippine Red Cross (PRC) at ginawaran ng Heroes of the Pandemic Award si incumbent Vice Mayor  Ariel A. Argañosa dahil sa katangi tanging pagsuporta sa lahat ng programa ng PRC.

“Maraming Salamat po sa parangal na ito. Sa ngalan po ng bumubuo ng Red Cross Majayjay Branch, akin po ang karangalan bilang inyong Municipal Chairman na tanggapin ang parangal na ito para sa mga taong nasa likod ng bawat programa ng RC Majayjay Municipal Branch. Sa lahat ng Officers, volunteers, donors at sponsors, samahan nyo pa rin po kami sa tuloy-tuloy na programa ng Red Cross Majayjay upang marami pa tayong matulungan,” ayon sa mensahe ni Argañosa.

Ang nabanggit na vice mayor ay aktibo sa paghahatid ng tulong sa mamamayan ng Majayjay sa pamamagitan ng masusing pagpapatupad sa mga programa ng PRC sa panahon ng pandemya.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.