PRC Service Center magbubukas na sa Sta. Cruz, Laguna

0
1632
Licensure Exams para sa teachers, gaganapin sa Laguna sa Marso 2023

Binisita ni Laguna Vice Governor Karen Agapay si Regional Director Rey Cristobal ng Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office sa Lucena City, kanina at tinalakay mga kahilingan na magkaroon ng PRC Service Center sa Santa Cruz, Laguna.

Matatandaan na sa pamamagitan ng Resolution No. 778 at No. 779 ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan sa Service Center PRC kabilang ang kahilingan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na gawing 5 years ang validity ng PRC Licenses, sa halip na 3 years lamang.

Ayon kay Cristobal, ang nabanggit na kahilingan na magkaroon ng PRC Service Center sa Santa Cruz ay ikinalulugod nila sapagkat mas mailalapit nito ang kanilang serbisyo sa mga professionals sa Laguna at mga kalapit na lalawigan.

Nakatakdang mag ocular inspection at lumagda sa Memorandum of Agreement ang PRC sa Metro Central Mall, bago matapos ang kasalukuyang buwan ng Oktubre.

Target ng PRC na simulan ang kanilang services sa Santa Cruz sa Nobyembre. Ilan sa mga services nila ay ang renewal of PRC Licenses, initial registration of new passers, certification and authentication of PRC documents, application for exams, at request for duplication of ID’s.

Nakatakdang ganapin sa Laguna ang unang Licensure Exams para mga Teachers sa March 2023, sa kahilingan din ni Agapay.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.