Precinct finder website ng Comelec, accessible na

0
629

Maaari na ngayong tingnan ng mga rehistradong botante ang kanilang aktwal na presinto ng botohan bago ang araw ng halalan.

Ito ay matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes ang Precinct Finder at ma-access ng publiko sa unang pagkakataon mula noong 2016.

Maaari ng makita ng mga Pilipino ang mga detalye ng kanilang mga voter registration records sa https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct

Sa pagpasok sa website, ang mga botante ay hihilingan na magbigay ng impormasyon, tulad ng kung sila ay mga lokal o overseas na mga botante, unang pangalan, gitnang pangalan, apelyido, at lugar ng pagpaparehistro (probinsya, lungsod/munisipyo).

Nakipag tulungan ang Comelec sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-host ang maraming online system na mahalaga para sa nalalapit na halalan, kabilang ang Precinct Finder.

Noong 2016, ang website ng poll body ay nasira, bukod sa iba pa. Naapektuhan nito ang ilang functionality gaya ng Precinct Finder, Video Demonstration, at Search function.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.