Prelate: Isulong ang pagkakaisa sa ilalim ng Marcos admin

0
365

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mananaig ang hustisya at kalayaan sa papasok na bagong administrasyon.

Sinabi ni Bishop Victor Bendico ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy na idinadalangin niya na nawa ay iwaksi ng hinirang na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang uri ng karahasan at isulong ang tunay na pagkakaisa.

“The essence of Pentecost is unity,” ayon kay Bendico sa isang panayam sa Church-run Radio Veritas kahapon.

Ang Linggo ng Pentecostes ay ipinagdiriwang sa ika-50 araw mula sa Linggo ng Pagkabuhay upang gunitain ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostol at iba pang mga tagasunod ni Jesucristo habang sila ay nasa Jerusalem.

“With the new government, let us not put on a spirit of slavery. Let us be led by a spirit of freedom. We are a free people in a free nation. In a free country, there can only be free citizens, citizens who love their country and work hard for the common good,” ayon sa kanya. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo