Presyo ng gas at diesel may mahigit P1 taas sa susunod na linggo

0
330

MANILA. Inaasahang muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa apat na araw ng trading sa pandaigdigang merkado, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang ₱1.50 kada litro, habang ang diesel ay posibleng tumaas ng ₱1.00 kada litro. Ang kerosene naman ay tinatayang magkakaroon ng dagdag na ₱0.80 kada litro.

Ayon sa DOE, ang inaasahang pagtaas ay dulot ng mga kaganapan sa international oil market, kabilang na ang pangamba sa supply disruption bunga ng bagong sanctions ng Estados Unidos laban sa langis mula Russia at Iran. Dagdag pa rito ang positibong pananaw sa pandaigdigang ekonomiya matapos ang kasunduan sa kalakalan sa pagitan ng US at European Union.

Iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa darating na Lunes, at ito ay inaasahang magiging epektibo sa Martes.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo