Presyo ng karneng baboy sa palengke, tumaas

0
566

Tumaas ng malaki ang presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan, ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP). Ang pangunahing dahilan ng pagtaas na ito ay ang lumalaking gastos sa farm inputs at production costs.

Ayon kay PPFP president Rolando Tambago, ang farm-gate price ng baboy ay umabot na sa average na P210 per kilo. Ito ay may karagdagang P120 hanggang P150 per kilo mula sa dating farm-gate price.

Bagamat sapat naman ang suplay ng karne ng baboy sa mga pamilihan, ang mataas na gastos sa farm inputs at transportation ang nagdulot ng pagtaas ng presyo. “Logistics and inputs are the problem, that’s why the price of pork is higher,” sabi ni Tambago.

Iminungkahi ni Tambago na pag-aralan ng pamahalaan ang gap sa pagitan ng mga sakahan at retailers upang maiwasan ang pagmamanipula sa halaga ng produktong baboy. Sa kasalukuyan, pumapalo na sa P320 hanggang P350 ang kada kilo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Patuloy ang pagtaas ng presyo, na nagdudulot ng pangamba sa mga mamimili at negosyante. Ang panawagan ay para sa agarang aksyon ng pamahalaan upang tugunan ang isyung ito at mapanatili ang katatagan ng presyo sa merkado.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo