Presyo ng Noche Buena items, nagtataas na!

0
276

Nakakaramdam na ang publiko ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto na karaniwang ginagamit sa pagdiriwang ng Noche Buena, bagaman at wala pang opisyal na price guide mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa ulat ng ABS-CBN News, ayon sa nakaraang presyo ng mga Noche Buena items noong nakaraang holiday season, lumalabas na tumaas ng P5 hanggang P6 ang bawat pakete ng ilang klase ng hamon, habang P120 ang itinaas ng isang brand ng chicken ham.

Ang presyo naman kada pakete ng ilang brand ng elbow macaroni ay naglalaro sa P1.70 hanggang P7.25, habang P2 hanggang P4 naman ang itinaas kada lata ng ilang brand ng fruit cocktail.

Napansin din na may pagtaas sa presyo ng ilang klase ng spaghetti na P5 kada pakete at P6 naman ang itinaas sa presyo ng tomato sauce.

Bagamat may ilang brand ng cheese, sandwich spread, at mayonnaise na may bahagyang pagbaba ng presyo, inaasahan pa rin na magtataas ang presyo ng iba pang Noche Buena products sa mga nalalapit na araw bago ang Pasko.

Ang pagtaas ng presyo ay kaakibat ng anunsyo ng ilang manufacturer na nagbigay babala ng dagdag presyo ngayong Nobyembre.

Asahan din na ang mga produkto na gawa sa baboy, tulad ng ham, ay tataas din, kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap nito tulad ng asukal at mga spices.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo