Presyo ng tasty at pandesal, tataas matapos aprubahan ng DTI

0
33

MAYNILA. Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga gumagawa ng tinapay na taasan ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, na inaasahang mararamdaman ng mga mamimili sa susunod na mga araw.

Sa bagong price adjustment, tataas ng P3.50 ang presyo ng 450-gram pack ng Pinoy Tasty, habang may dagdag na P2.25 sa 250-gram pack (10 piraso) ng Pinoy Pandesal. Dahil dito, ang suggested retail price (SRP) ng Pinoy Tasty ay aakyat mula P40.50 patungong P44.00, habang ang Pinoy Pandesal naman ay tataas mula P25.00 patungong P27.25.

Ayon kay Trade Secretary Cris Roque, kinailangan nilang aprubahan ang hirit na taas-presyo ng mga manufacturer bunsod ng patuloy na pagtaas sa halaga ng raw materials.

Ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay bahagi ng isang corporate social responsibility program sa pagitan ng DTI at Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) noong 2010, na naglalayong magbigay ng abot-kayang tinapay sa mga Pilipino.

Bagamat itinuturing na mas murang alternatibo, maraming mamimili ang nangangamba sa epekto ng taas-presyo sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, lalo na sa harap ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.