Pribadong paaralan nilooban; P240K kinulimbat

0
145

TANZA, Cavite. Nilooban ng dalawang suspek na hinihinalang miyembro ng “Akyat Bahay Gang” ang isang pribadong paaralan at tinangay ang halagang mahigit sa 240 libong piso na nasa loob ng vault, kamakalawa sa Brgy. Bagtas, bayang ito.

Agad na nasakote ang isang suspek sa pagnanakaw na kinilalang si Isaias Cayco ngunit patuloy pa ring tinutugis ang isa pa niyang kasamahan na si Rommel Alacaide.

Ayon sa impormasyon mula kay Rolf Edward Onio, school assistant ng ninakawang eskwelahan, naganap ang insidente bandang alas-2:00 ng hapon noong nakaraang araw.

Ayon sa imbestigasyon, pilit na pumasok ang mga suspek sa Don Amadis School sa Brgy. Bagtas, Tanza, sa pamamagitan ng exit gate. Giniba ng mga suspek ang kandado ng gate at mula rito ay pumasok sila sa Administration Office kung saan matatagpuan ang vault ng paaralan na naglalaman ng P240,000.

Sa tulong ng mga CCTV, agad natukoy ng mga awtoridad ang mga suspek at agad na nahuli ang isa sa kanila.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.