Prime suspect sa Romblon massacre, inaresto na

0
214

Inaresto ang isang prime suspect  sa Romblon’s massacre noong Miyerkules hinggil sa kaso ng pagpatay sa isang babae at dalawang anak nitong anak na natagpuang mga patay na at nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang bahay sa San Jose. Romblon.

Kinilala ni Romblon PNP Director Col Reynold Rosero ang suspek na si Patrick Rufino Cahilig, 35 at inaresto sa kanyang bahay sa San Joe, Romblon noong Biyernes ng hapon.

Inihahanda ng Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan ang tatlong kaso ng murder, robbery at attempted rape laban kay Cahilig.

“We are still waiting the results of the forensic test, testimony of an eyewitness and others hard evidence,” ayon kay Rosero.

Nasa pangangalaga ng mga pulis ang suspek matapos itong arestuhin sa isang pursuit operation sa kanyang tirahan 50 metro ang layo mula sa bahay ng mga pinaslang.

Sinabi ni Rosero na ang suspek ay positibong kinilala ng isang testigo na si Charlie Mendoza Seraspi na nagtago habang nakikita niyang isinasagawa ang krimen.

Inamin ni Serapin na siya ay natutulog sa isang hiwalay na silid sa loob ng bahay ng biktima matapos sumama sa party kasama ang tatlong biktima noong Martes.

Batay sa mga salaysay na binitawan niya sa mga prober, nagising siya sa ingay ng isang kadena at nakita niya ang suspek na papalabas ng bahay ng biktima na hindi na niya ito pinansin at natulog ulit.

Ang suspek ay napag alamang live-in partner ng tiyahin ng biktima at isa siya sa mga trabahador sa pagpapatayo ng bahay ng biktima.

Idinagdag ni Rosero na nawawala din ang maliit na bag na naglalaman ng pera ng biktima.

“ We discovered the suspect has scratch on his body, it is possible came from the woman’s fingers who tried to fought back on her attackers, however, the assailant denied as saying he was sustained the scratches when he climbed at the back of his house,” ayon pa rin kay Rosero.

Maaalala sa mga unang balita na ang mga bangkay ni Wielyn Mendoza, 29; TJ, 9, at JB, 7, na nagtamo ng mga saksak, ay nadiskubre ng kanilang mga kaanak sa Sitio Upper Hinulugan sa Barangay Poblacion noong Miyerkules

Ang kapatid ni Mendoza na si Wilbert at Charlie Seraspi ay nagsumbong sa pulisya bandang alas-9 ng umaga.

Diumano ay dumalo ang mga biktima sa isang birthday party sa bahay ng kanilang kapitbahay noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Wilbert sa pulisya na natagpuan niya ang mga bangkay nang makita niyang bukas ang pinto ng bahay ng mga biktima at tingnan niya kung bakit walang sumasagot ng tawagan niya ang mga ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.