Private tutor, pinatay at inihulog sa ilog sa Batangas

0
221

SAN JUAN, Batangas. Natagpuang patay ang isang private tutor na diumano ay miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, at Queer (LGBTQ) community na tadtad ng saksak at inihulog sa ilog sa Sitio Tipaz Sulok, Barangay Tipaz, bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arcel Regio, 44-50 anyos, at residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat ng mga imbestigador ng San Juan Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ni Regio na palutang lutang sa Malaking Ilog River sa Barangay Tipaz bandang alas-12:00 ng tanghali noong Biyernes.

Ayon kay Donald Regio, kapatid ng biktima na nakatunton sa bangkay, nag-alala siya nang hindi umuwi ang kapatid mula nang umalis ito bandang alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes kasama ang isang lalaki na sumundo sa kanya at sumakay sila sa motorsiklo.

Sa oaghahanap sa kapatid, napansin ni Donald ang mga bakas ng dugo mula sa barangay road patungo sa damuhan patungo sa riprap sa gilid ng ilog.

Kaagad namang bumuo ang pulisya ng search and retrieval team upang suriin ang ilog. Matapos ang ilang minuto, natagpuan ang bangkay ng biktima na may saksak sa likod at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahirapan ang mga rescuer sa pag-aahon sa bangkay na kailangan pang gamitan ng lubid upang maiakyat ito sa mataas na pampang.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng mga pulis ang isang lalaking kabarangay ng biktima na diumano ay boyfriend nito. Gayunpaman, hindi pa tiyak kung siya ang lalaking sumundo sa biktima noong madaling araw.

Sa crime scene, narekober ng mga awtoridad ang isang kutsilyo at isang icepick na posibleng ginamit sa krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.