PRO CALABARZON: PhP 384K na halaga ng shabu naagaw ng PNP Batangas

0
263

Batangas City, Batangas. Arestado ang isang drug suspect at nakumpiska sa kanya ang Php 384,330.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang drug buy-bust operations na ikinasa ng Batangas City Police Station (CPS) kanina.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang suspek na si Patrocinio Jr Barredo y Reyes alyas Pat, 51 anyos na residente ng Brgy. Cuta Batangas City.

 sa isinagawang positibong buy-bust operation noong Hulyo 19, 2022, bandang 2:21 AM sa Brgy. Cuta Batangas City.

Nakumpiska sa suspek ang 4 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 55.7 gramo at may Dangerous Drug Board value na nagkakahalaga ng Php 384,330.00. Kinuha din ng mga pulis ang kanyang Yamaha sniper motorcycle.

Ang nadakip ay kabilang sa listahan ng mga drug personalities watch list na high value target sa Batangas City at nag-o-operate sa nabanggit na lungos at mga kalapit na lugar na ipinabatid din ng Barangay Information Network ng Cuta, Batangas City

Dinala si Reyes sa Batangas Provincial Forensic Unit para sa Drug Test at Laboratory Examination. Sumailalim na siya sa Physical Examination sa Batangas Medical Center.

Inihahanda na ang mga kasong ng paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang nakakulong ang suspek sa custodial facility Batangas City Police Station.

“Here we can see that our counter-intelligence is now further strengthened by the establishment of Barangay Information Network, (BIN). Through this institution, it is easier to monitor and track down the resident’s activities to eliminate scrupulous individuals doing illegal business in our barangays,” ayon sa mensahe ni Yarra.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.