Prostitution den ni-raid sa Batangas; 10 babae nailigtas

0
589

Lemery, Batangas. Arestado ang tatlong suspek, kabilang ang isang bugaw, matapos madiskubre ng mga awtoridad ang isang restobar sa bayang ito na ginawang prostitution den.

Sampung babae ang nasagip sa human slavery, kabilang ang isang menor de edad.

Ayon sa ulat noong Sabado, huli ng National Bureau of Investigation – Batangas ang kanilang target sa akto na nag aalok ng babae at tumatanggap ng bayad na pera sa loob ng restobar.

Batay sa impormasyong natanggap ng NBI, ginawa lamang front ang restobar para sa prostitusyon.

Sinabi ni Atty. Giselle Garcia-Dumlao, spokesperson ng NBI, na may VIP service ang restobar kung saan pwedeng pumili ang mga customer ng mga babae, na pwede nilang dalhin sa VIP room sa halagang P2,000.

Bukod sa bugaw, arestado rin ang cashier ng restobar.

Sinampahan na ng kasong human trafficking at child abuse ang tatlong nadakip.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.