Provincial Housing Office namahagi ng titulo ng lupa sa mga miyembro ng Alliance of Settlers

0
130

Cabuyao, Laguna. Ginawaran ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) ng titulo ng lupa ang mga miyembro ng Alliance of Settlers mula sa Laguna Area Homeowners Association, Inc. (ASLAHAI, Inc.) ng Brgy. Banay-banay sa lungsod na ito.

Ang mga miyembro ng ASLAHAI, Inc. ay mga informal settlers na datinh nanirahan sa mga pipeline ng First Philippine Industrial Corporation sa Santa Rosa City, Biñan City at San Pedro City. Inilipat sila noong 2001 sa kasalukuyang relocation sa isang 5,119 sq.m. na luapng pag-aari ni Gorgonio Velasquez.

Sa tulong ng PUDHO, nabili ng ASLAHAI ang naturang lupa kung saan ay 49 sa 97 miyembro ang ganap na nakapagbayad na ng kanilang mga amortisasyon sa pamamagitan ng “Direct Payment Scheme,” at nabigyan na mga titulo. Ang iba sa mga miyembro ay kasalukuyang pang nag aayos ng kanilang installment payments.

Nauna dito, nagbigay ng libreng  teknikal na tulong sa dokumentasyon sa pagbuo ng proyektong pabahay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa kahilingan ni ASLAHAI President Crispina L. Manrique sa pamamagitan ng PUDHO.

Bilang kinatawan ni Gov. Ramil L. Hernandez, ipinamahagi ni  Chief PUDHO Vivencio Malabanan ang mga titulo sa harap nina Laguna 2nd District Rep. Ruth M. Hernandez, District Housing Coordinators Jerry A. Desquitado, Joel R. Cabe, German dela Cruz at Eduardo Viloria.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.