Proyektong pabahay sa Rizal, Laguna sinuportahan ng DHSUD

0
540

Rizal, Laguna. Pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario ang groundbreaking at Memorandum of Agreement signing ceremonies para sa community support facility at evacuation center sa munisipalidad ng Rizal, isang third-class town na binubuo ng 11 barangay.

Sa kanyang mensahe, muling binanggit ni del Rosario ang pangako ng DHSUD sa pagtulong sa mga LGU, partikular sa mga third-class at remote na munisipyo tulad ng Rizal, sa pagpapatupad ng shelter at community-based projects.

“Third-class municipality, kung anong pwedeng tulong na maibigay ng national government, we are very much willing to be of assistance and make a difference to the lives of Rizaleños. Makakaasa kayo na tuloy-tuloy ang ibibigay na tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development,”ang pagbibigay diin ni Secretary Del Rosario.

Sumaksi sa mahalagang kaganapan sina Rizal Mayor Vener Muñoz at Vice-Mayor Antonio Aurelio, na nagsabing ang DHSUD chief ay isang “pagpapala” at ngayon ay “bahagi ng kasaysayan” ni Rizal para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad ng bayan.

Binanggit ni Kalihim Del Rosario ang pagsisikap ni Vice Mayor Aurelio sa pag-follow up sa panukala ng proyekto na nagresulta sa opisyal na paglulunsad noong Biyernes.

Dumalo rin sa ginanap na ground breaking ceremoniy sina DHSUD Regional Office 4A Director Jann Roby Otero, at dating DHSUD Assistant Secretary Leira Buan, na pawang gumanap ng mahalagang papel sa pagtulong na maisakatuparan ang mga proyekto, gayundin ang mga kinatawan mula sa mga partner developers.

Ang pagpapatibay ng higit na matibay na pakikipagtulungan sa mga LGU ay isa sa mga pangunahing estratehiya ng DHSUD ngayong taon. Paulit-ulit na idiniin ni Kalihim Del Rosario ang pangangailangan para sa mas mahusay na koordinasyon sa mga LGU upang maging matagumpay ang pambansang programa sa pabahay.

Bilang pangunahing ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng disente, ligtas at abot-kayang mga pabahay, kasalukuyang pinalalawak ng DHSUD ang pakikipagtulungan sa mga LGU, partikular sa mga rural na lugar, upang tumulong sa kanilang mga proyektong pabahay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.