PRRD muling nanawagan na ibasura ang party-list system

0
364

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang kanyang panawagan para sa pag-aamyenda o pagtatanggal ng probisyon sa party-list system sa 1987 Constitution at sinasabi na ginagamit lamang ito bilang electoral vehicle ng mayayaman at makapangyarihan.

“Sa totoo lang, kailangan natin baguhin na ang Constitution. Eh nasa sa inyo ‘yan,” ayon kay Duterte sa kanyang talumpati sa  Batangas.

Ang pagmumungkahi ng mga pagbabago sa Konstitusyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng constituent assembly (Con-ass) o constitutional convention (Con-con), ayon sa kanya.

“The Constitution is not really a perfect one. I would not say it is the worst Constitution, but we have copied that from America word-for-word halos when we established the Republic in 1947, naging Republic of the Philippines tayo,” dagdag niya.

Inulit din niya na noong administrasyon ng yumaong Pangulong Corazon “Cory” Aquino ang party-list system ay ginamit bilang backdoor para mahalal sa Kongreso.

“Panahon ni Cory ‘yang Constitution nila eh. Iyan lang party-list sana para — it was an enabling something law or in the Constitution itself na magkaroon ‘yung representation ‘yung mga tao, kanya-kanyang ano — exactly like for the common tao at sa mga mahirap…” ayon pa rin sa pangulo.

Sinabi ni Duterte na ginagamit na ito ngayon ng mayayaman para itatag ang sarili sa Kongreso.

“Lahat ng mga mayaman, buong Pilipinas, lahat ng mga milyonaryo may party-list, agawan sila ng party-list. Iyong ibang walang party-list, binibili nila,” dagdag pa niya.

Inamin niya na may mga party-list na talagang kumakatawan sa mga marginalized na sektor, ngunit binanggit na may mga “oportunista” na sinasamantala ang kanilang yaman at kapangyarihan.

“Iyong iba naman eh talagang straight. Ang problema iyong mga oportunista. Iyon ang payo ko sa inyo,” ang kanyang  pagtatapos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo