PRRD sa susunod na admin: Ipagpatuloy ang pagpapabuti ng PH railway systems

0
200

Ipinagbilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa papasok na administrasyon na ipagpatuloy ang pamumuno sa pagpapabuti ng mga sistema ng tren sa bansa.

“It is my hope that you will never lose sight of this goal, as the enhancement of this vital transportation connection will be the key to unlocking even better opportunities for our countrymen,” ayon sa kanya sa pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo Commuter Line sa San Pablo City kahapon.

Binigyang-diin ni Duterte na ang isang epektibong mass transportation system ay hindi lamang magpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng rural at urban areas kundi palalakasin din nito ang turismo.

Sa kanyang mga pahayag, sinabi ng Pangulo na ang pinakabagong proyektong ito ay patunay ng pangako ng administrasyong Duterte sa pagpapahusay ng mobility at connectivity sa buong kapuluan.

“With this, we will make everyone feel the change we have promised at the beginning of our term,”ayon sa kanya.

Ang riles na muling binuksan ay nagpapaikli sa oras ng paglalakbay sa pagitan ng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon mula sa isang oras hanggang 30 minuto.

Nagsisilbi rin itong mahalagang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng PNR Bicol Express na mag-uugnay sa Metro Manila sa mga lalawigan sa Southern Luzon at Bicol.

“As my term in office draws to a conclusion, I am thankful that I spend my last days as President witnessing events like this and realizing that, even amidst the challenges around us, we will leave a legacy that brought meaningful and lasting changes to the lives that we have touched,” dagdag pa niya. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.