PRRD, Xi nagkaisa sa mapayapang resolusyon sa Russia-Ukraine conflict

0
365

Nagpahayag ng pag-asa sina Pangulong Rodrigo R. Duterte at Chinese President Xi Jinping tungo sa mapayapang pag-aayos ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Malacañang.

Sa telesummit nina Duterte at Xi, inireport na sila ay “labis na nag-aalala” tungkol sa tunggalian, ayon sa Office of the President (OP) sa isang pahayag kagabi.

“President Duterte and President Xi expressed deep concern over developments in other parts of the world, including in Ukraine. The two Presidents renewed the call for a peaceful resolution of the situation through dialogue in accordance with international law,” ayon sa Palasyo.

Nag usap sa isang virtual meeting sina Duterte at Xi hinggil sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine at sa gitna ng kanilang pag-aalala sa potensyal na spillover ng digmaan sa Asia, kabilang ang Pilipinas at China.

Noong Marso 31, pinanatili ni Duterte ang kanyang neutral na paninindigan sa krisis sa Russia-Ukraine ngunit nagbabala na ang China ay “hindi sila uupo lang ng walang ginagawa” kung sakaling magsagawa ng nuclear war ang Moscow.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang bumoto pabor sa isang resolusyon na nag-aalis ng Russia sa United Nations (UN) Human Rights Council.

Nagpahayag din ito ng kahandaang tanggapin ang mga Ukrainian refugee sa gitna ng patuloy na digmaan at krisis sa makatao sa European state.

Ang opensiba ng Russia, na inilunsad noong Pebrero 24, mahigit na 10 milyong Ukranian ang nawalan ng tirahan, batay sa datos ng UN.

Humigit-kumulang 4.2 milyon sa mga lumikas na indibidwal ang tumakas sa mga border ng Ukraine.

Iniulat din ng UN na hindi bababa sa 1,417 ang namatay, habang 2,038 ang nasugatan sa Ukraine noong Abril 3.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.