MAYNILA. Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maaari nang iparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID ang mga sanggol na wala pang isang taong gulang.
Ayon sa PSA, ang PhilSys Number (PSN) ng mga sanggol ay ikokonekta sa National ID ng kanilang magulang o tagapag-alaga, na dapat ay rehistrado na sa sistema. Para sa mga hindi pa nakapagparehistro, maaaring sabay na iproseso ang aplikasyon ng magulang at anak sa mga PSA registration center.
Upang makapagparehistro, kinakailangan ang birth certificate ng bata o iba pang opisyal na dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan. Sa ngayon, demographic details at larawan lamang ang kukunin mula sa bata, habang ang buong biometric data, kabilang ang fingerprint at iris scan, ay kukolektahin sa edad na lima.
Mas Pinalawak na Rehistro ng PhilSys
Sa pagpapatuloy ng implementasyon ng National ID system, target ng gobyerno na mapabilis at mapadali ang mga transaksyon sa pampubliko at pribadong sektor gamit ang isang digital at unibersal na pagkakakilanlan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa opisyal na website ng PSA o magtungo sa pinakamalapit na PhilSys registration center.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo