PSA, nangako ng mas mabilis na paghahatid ng National IDs

0
164

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Biyernes ang mas mabilis na paghahatid ng mga national identification card sa mga susunod na araw, matapos silang mag-print at magpapadala ng mahigit 50 milyong PhilID card.

Sa report ng PSA noong Disyembre 22, nakapag print at nakapagpadala ang ahensya ng kabuuang 50,064,756 na PhilIDs sa mga registrants ng Philippine Identification System (PhilSys).

“Parami nang parami ang mga Pilipino ang makaka-enjoy sa mga benepisyo ng pagiging PhilSys-registered. Hinihikayat namin ang aming mga kababayan [kababayan] na gamitin nang buo ang PhilID at gawin itong pangunahing ID sa kanilang mga transaksyon,” ayon kay National Statistician Dennis Mapa.

“Nais din naming tiyakin sa publiko na patuloy naming pabilisin ang pag-iisyu at paghahatid ng mga PhilID upang matamasa ng mga Pilipino ang kaginhawahan ng pagkakaroon ng valid ID sa kanilang mga transaksyon,” dagdag pa niya.

Ayon sa PSA noong Huwebes, mahigit 82 milyong Pilipino na ang nagparehistro para sa PhilIDs. Ang PhilID ay itinuturing na pangunahing identification card para sa mga beripikasyon ng mobile wallet services.

Sa unang bahagi ng taon, naantala ang paghahatid at paggawa ng mga PhilID ngunit, ayon sa PSA, ang ahensya ay patuloy na nagsusumikap na maayos ang mga isyu upang mas mapabilis ang serbisyo para sa benepisyo ng nakararami.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.