Public schools, magsisimula ng Christmas break sa Disyembre 18

0
204

Magsisimula ang Christmas break ng mga mag-aaral at guro sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa ay magsisimula sa susunod na linggo, ayon sa Department of Education (DepEd) Order No. 22 series of 2023.

Nakasaad sa mga alituntunin ng Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities for the School Year (SY) 2023-2024 na inilabas noong Agosto, na ang Christmas break “ay magsisimula sa Dec. 18 at magtatapos sa Jan. 2” para sa darating na taon.

Ayon sa direktiba ng DepEd, ang pagbabalik-eskwela para sa ikalawang semester ay nakatakdang magsimulai sa ika-3 ng Enero, 2024. Ang opisyal na pagsisimula ng SY 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan ay sinimulan noong Agosto 29, 2023.

Ang kasalukuyang school year ay itinakda na may 220 na araw ng klase at inaasahang matatapos sa Hunyo 14, 2024. Ang Christmas break ay nagbibigay-daan para sa mga mag-aaral at guro na magpahinga bago bumalik uli sa kanilang mga gawain sa bagong taon.

Hinihikayat ng DepEd ang mga magulang, mag-aaral, at mga komunidad ng paaralan na tandaan ang mga itinakdang petsa at pagtibayin ang kahalagahan ng pagpapahinga at pagdiriwang ng Pasko na may kasamang pagmumulat sa kahalagahan ng pagbabalik sa paaralan sa Enero na puno ng bagong lakas at sigla para sa pag-aaral.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo