Pugante, huli sa dragnet ops ng Laguna PNP

0
451

Sta. Cruz, Laguna. Huli ang isang takas na bilanggo mula sa Laguna Provincial Jail sa isinagawang dragnet operation ng Calauan Municipal Police Station kamakalawa sa Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Kinilala ni PCOL Cecilio R. Ison Jr., Acting Provincial Director ng Laguna POlice Provincial Office ang nahuling pugante na si Eddie Bataller Bongon, 32 anyos na residente ng Brgy. Inayapan, Sta. Maria, Laguna,

Ayon sa report, ang akusado ay nakulong sa Sta Maria, Laguna noong July 31, 2020 sa kasong paglabag sa Sec.5 and Sec. 11 of RA 9165 o Possession of Dangerous Drugs at inilipat sa Laguna Provincial Jail noong August 20, 2020.

May iba poang kaso ang akusado kagaya ng attempted homicide  at robbery.

Batay sa ulat, ang akusado ay tumakas sa Laguna Provincial Jail noong May 20, 2022 sa pamamagitan ng pag-akyat sa puno pagtalon  sa labas ng bakod ng Laguna Provincial Jail.

Kaugnay nito, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng nabanggit na piitan na ang takas na preso ay bibisita sa kanyang bayaw sa Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna, kaya agad na nagtungo ang mga tauhan ng Laguna Provincial Jail sa nasabing lugar at doon ay natagpuan nila doon ang pugante.

Sa aksyon ng pag aresto, tumakas ang pugante sakay ng isang motorsiklo patungo Victoria, Laguna. Nabaril siya ng isang prison guard habang tumatakas at nagtamo ng tama ng bala sa likod.

Kasunod nito ay nagsagawa ng hot pursuit operation ang miyembro ng Laguna Provincial Jail at inalerto ang mga kalapit na bayan na magsagawa ng dragnet operations.

Nadakip ng Calauan Municipal Station ang takas na bilanggo sa pangunguna ni PMAJ Philip T. Aguilar.

Kasalukuyang ginagamot ang akusado sa Panlalawigang Pagamutan ng Lagun sa Bay, Laguna habang inihahanda na ang mga dokumento para sa turnover ng takas na preso sa Laguna Provincial Jail.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.