Puganteng Koreyano, inaresto ng CIDG

0
318

Ipinatupad ng mga operatiba ng CIDG Manila Field Unit kasama ang KNPA, Bureau of Immigration at Eastern Police District ang INTERPOL Red Notice laban sa isang Korean national kamakalawa sa Grove by Rockwell, Pasig City.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing Korean national na si Kim Seongku, 46 anyos na pugante at may standing warrant na inisyu ng Seoul Central District Court para sa krimen ng Fraud by Use of Computer, Etc. na lumalabag sa Article 347- 2 ng Criminal Act of the Republic of Korea.

Batay sa impormasyong natanggap mula sa Korean Counterpart, si Seongku ay miyembro ng isang Korean syndicate na pumapasok sa mga blockchain account ng kanyang mga biktima at nakapagnakaw ng humigit-kumulang 142.7 Ethereum at 240 Bitcoins na halaga ng cryptocurrencies na katumbas ng mahigit Php613 milyon.

Tiniyak ng CIDG nahindi sila titigil sa pagkilos at pagsisikap na hadlangan ang mga hindi kanais-nais na dayuhan na maglalagay sa panganib sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.