Pulis, aksidenteng nabaril ang sarili; patay

0
434

Lipa City, Batangas. Dead on the spot ang isang pulis ng Lipa City Police Office (CPS) matapos mabaril ang sarili habang nililinis ang kanyang service firearm bandang ala singko ng madaling araw kahapon sa Block 5, Lot 28, Royal Homes Subd., Bgry. Bulacnin, Lipa City, Batangas 

Kinilala ni Police Lt.Col. Ariel Azurin, hepe ng Lipa CPS, ang biktima na si PSSg. Ronald Silva Macalintal, 46 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon nakarinig ng putok ang anak ng biktima na si Daniela Cylene Calisaan Silva mula sa kanilang resthouse na nasa loob ng kanilang bakuran.

Agad pinuntahan ng dalaga ang lugar kung saan ay nakita ang kanyang Ama  na duguan at wala ng buhay. Nasa tabi ng bangkay nito ang service firearm na Tanfoglio 9mm caliber at isang empty shell.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigahan ang pulisya sa naturang insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.