Pulis aksidenteng nabaril at napatay ng kapwa pulis

0
715

San Pablo City, Laguna. Dead on arrival sa San Pablo Doctors Hospital ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kapwa pulis habang naglilinis ng kanilang mga service firearm sa police station kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si PCpl. Frank Alvin dela Cruz, 30 anyos at nakatalaga sa warrant section ng nabanggit San Pablo City Police Station.

Kinilala naman ang pulis na aksidenteng nakabaril na si PCpl. George Melvin Duran, 31 tanyos na kaibigan ng nasawi.

Batay sa masusing pagsisiyasat, sabay sabay na naglilinis ng kanilang mga service firearms sina dela Cruz, Duran at dalawang iba pa ng aksidenteng pumutok ang baril ni Duran na nakatapat sa dibdib ng biktima.

Sa kuha ng cctv footage na naka install sa nabanggit na himpilan, makikita ang apat na pulis na nakatayo at hawak ang kanilang mga baril. Makikita sa video ang pagbagsak sa silya ni Dela Cruz matapos tamaan sa dibdib

Agad na  isinugod ng mga kasamahan pulis ang biktima sa San Pablo Doctors Hospital kung saan ito ay idineklarang DOA.

Nakatakdang humarap sa kasong administratibo at reckless imprudence resulting to homicide si Duran.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.