Pulis at motorista, nagduwelo: bystander nasapul ng bala

0
175

AMADEO, Cavite. Isang aksidente sa trapiko ang nagresulta sa sagupaan sa pagitan ng isang pulis at isang motorista, kung saan isang inosenteng taong dumadaan lamang ang nasaktan dahil sa pamamaril. 

Naganap ang insidente sa Purok Ilaya Maitim 1st, bayan ng Amadeo, sa lalawigan ng Cavite kahapon.

Ayon sa mga ulat mula sa Amadeo Municipal Police Station, si Police Master Sergeant Hermogenes Tinitigan Tapangco Jr. ng Sta. Maria Municipal Police Station at si Leandro Aguilar Baurile, isang motoristang residente ng Amadeo ay nagkaroon ng alitan dahil sa isyu sa trapiko.

Sa gitna ng pag aaway, biglang umalis si Baurile at bumalik makalipas ang ilang minuto na may dalang baril na kalibre 38 revolver at tinutukan si Tapangco na mabilis ding bumunot ng kanyang 9mm pistol at nagkatutukan ang dalawa. Sa aktong ito, sunod sunod na nagpaputok ang pulis sa iba’t ibang direksyon at tinamaan Jonathan Causaren na residente ng nasabing lugar.

Agad naman inaresto ang pulis at ang motorista ng mga rumespondeng alagad ng batas.

Isinugod sa Tagaytay Medical Center sa Tagaytay City si Causaren at kasa­luku­yang inoobserbahan ng mga doktor ang kanyang kalaga­yan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.