Pulis, huli sa buy-bust sa Cavite

0
373

Imus City, Cavite. Naaresto ng mga kabaro ang isang pulis sa isang drug buy-bust operation kahapon sa Imus City, Cavite.

Iniulat ng Police Region 4A kanina na nalambat sa anti-illegal drugs operatives si Patrolman Albert Lorenz Reyes, 34 anyos, bandang alas-9:50 ng gabi matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000 sa isang undercover cop sa Brgy. Malagasang 1-F, Imus. Cavite.

Nakumpiska mula sa suspek, na dating naka-assign sa Cavite police drug enforcement unit bago masuspinde dahil sa hindi tinukoy na offense, ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP 136,000.

Nasamsam din ng mga pulis ang .45 pistol na may apat na bala mula sa suspek. Hindi tinukoy sa ulat kung may dokumento ang nasabing baril.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.