Pulis na inaresto sa P1 milyon robbery, nagtangkang magpakamatay sa istasyon

0
429

Calamba City, Laguna. Isinugod sa ospital ang isang police official na naaresto hinggil sa kaso ng P1-million robbery sa Ge­neral Trias City, Cavite, matapos magtangkang magpakamatay sa loob ng police station noong Linggo ng hapon.

Ayon sa report, si Lt. Reynaldo Afable, isang dating intelligence officer ng Imus at Silang Police Station ay dinala sa Divine Grace Medical Center upang magamot matapos umanong saksakin ang kanyang leeg gamit ang gunting.

Samantala, nasa estable ng kondisyon ang pulis.

Ayon sa ulat, habang nasa kustodiya ng General Trias Police Station sa intelligence office si Afable ay humi­ling siya kanyang escort na makagamit ng palikuran.

Habang nasa loob ng comfort room ay tinangka umano nitong gilitan ang kanyang leeg gamit ang isang gunting na palihim na kinuha sa nasabing tanggapan.

Si Afable ay isa sa 9 na suspek sa pagnanakaw ng PhP 1M na halaga ng mga alahas na pag-aari ng isang negosyante sa Bella Vista Subdivision sa Brgy. Santiago, General Trias City, noong Oktubre 18, 2022.

Dalawang dating pulis ng Quezon City na may mga alyas na “Matchong” at “Meron” ang unang natukoy at unang mga naaresto ng Gen. Trias Police sa kasagsagan ng nakawan, habang si Afable ay nadakip sa hot pursuit operation.

Ang natitira pang anim na kasamahan ni Afable kabilang ang isa umanong dating pulis ay pinaghahanap pa ngayon ng local intelligence operatives.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.