Pulis na napatay sa engkwentro sa Batangas, ginawaran ng posthumous Medalya ng Kadakilaan

0
569

Nagbigay-galang si PRO Calabarzon Regional Director, PBGEN Antonio C. Yarra kay yumaong Patrolman Gregorio S. Panganiban Jr. na napatay sa armadong engkwentro habang tumutugon sa ulat ng mga kahina-hinalang armadong lalaki noong Marso 12 sa Barangay Quilitisan, Calatagan, Batangas.

Binisita ng Regional Director at iba pang opisyal ng PRO Calabarzon ang kanyang burol sa Brgy. Bunducan, Nasugbu, Batangas at iniharap sa kanyang pamilya ang posthumous “Medalya ng Kadakilaan” para sa kanyang kapansin-pansing kabayanihan at walang pag-iimbot na debosyon sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Binisita din ni PBGEN Yarra ang burol ni Mayumi Dunaway, na nasugatan din sa insidente ngunit kalaunan ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.