Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang kagitingan ng isang baguhang pulis na namatay sa armadong engkwentro laban sa mga kidnapper sa isang operasyon kamakailan sa lalawigan ng Rizal.
Iginawad ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang Medalya ng Kadakilaan (PNP Heroism Medal) kay Pat. Joshua Linggayo, sa pagbisita sa kanyang burol noong Martes.
Dinala sa ospital si Linggayo, miyembro ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), matapos magtamo ng mga tama ng baril habang sinasagip ang kidnao victims sa Rizal noong Hunyo 15. Siya ay na-admit sa Intensive Care Unit ng isang ospital at namatay noong Hunyo 27.
“I have this clear mandate to our Anti-Kidnapping Group to sustain our active intelligence gathering and operation against these criminal-minded individuals to suppress any attempt to launch illegal activities. Patrolman Linggayo’s sacrifice will not go in vain,” ayon kay Danao. Tiniyak din ni Danao na mabibigyan ng kaukulang tulong at benepisyo ang pamilya ni Linggayo.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.